P100,000 pabuya ang naghihintay sa kung sinuman ang makapagtuturo sa kinaroroonan ng dating driver-bodyguard at diumano’y lover ni Senador Leila de Lima na si Ronnie Dayan.
Ito ang kinumpirma ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), ayon sa ulat ng Abante.
“Mayroon ng reward na ini-offer ang VACC, P100,000,” ani Umali at posibleng madagdagan pa umano ito dahil pag-uusapan umano nila ito sa Kamara.
Kamakailan ay ipinaaaresto ng House Committee on Justice si Ronnie Dayan na driver at bodyguard ni Senador Leila De Lima noong siya ay Justice Secretary upang harapin ang alegasyon sa umano’y bentahan ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).
Source: Definitely Filipino

0 comments: