6 Na Umano`y Drug Suspects Patay Matapos Pagbabarilin Noong Halloween



SUMALAKAY ang mga armadong de-maskara, hinihinalang mga vigilante kotra-droga, sa Mandaluyong at Pasig kamakalawa ng gabi at pinatay ang anim na mga umano’y drug suspects.

Sa Mandaluyong, binaril ng anim na salarin ang lima katao na umano’y nagdodroga sa isang bahay sa Brgy. Additional Hills alas-9:35 ng gabi, ayon sa ulat ni Senior Supt. Joaquin Alva, hepe ng Mandaluyong.
Kinilala ni Alva ang mga biktima na sina Manuel Evangelista, 37; Paulo Tuboroy, 24; Edmar Velarde, 31; alyas MacMac Albano, at Jennifer Discargar, 31.

Sinabi ng opisyal ng barangay na si Jonathan Villaflores na nagsa-shabu umano ang limang biktima sa bahay ni Evangelista nang pumasok ang mga suspek at inutusan ang dalawang batang nasa loob na lumabas.

“The suspects then asked the victims to lie face down before they shot them dead,” sabi ni Alva.
Dead on the spot ang mga biktima.

Narekober ng mga pulis ang mga drug paraphernalia, kasama na ang foil at toother, at limang piraso ng sachet ng shabu.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

Sinabi ni Villaflores na bago ang insidente ay hinahanap ng ina ni Discargar ang nawawalang P200,000 na umano’y kinuha ng huli mula sa pagbebenta ng kanilang bahay.
Idinagdag ng barangay official na tatlo lamang sa limang napatay ang kasama sa kanilang drug watch list. Samantala sa Pasig, pinatay si Billy Joe Avilles ng riding-in-tandem sa harap ng kanyang bahay sa Santos st., Brgy. Buting alas-8:24 ng gabi.

Sinabi ng pulisya na nakaupo lamang si Avilles sa labas ng bahay nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek. Kabilang ang biktima sa drug watchlist ng Brgy. Sto. Tomas.

Source: Bandera

SHARE THIS

Author:

0 comments: