Duterte Binati si Trump sa Pagkapanalo Bilang Bagong Presidente ng US



BINATI ni Pangulong Duterte ang bagong halal na pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump.

Sa kanyang pagbati, sinabi ni Duterte na umaasa siya ng isang maayos na ugnayan ang mamamagitan sa Pilipinas at Estados Unidos.

Anya umaasa siya ng “enhanced Philippines-US relations anchored on mutual respect.”

“President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to Mr. Donald Trump on his recent electoral victory as President of the United States of America,” ayon kay Communications Secretary Martin Andanar sa kalatas.

“The United States presidential election is a testament to the enduring traditions of its democratic system and the American way of life. The two-party system gives American voters freedom of choice based on party platforms, not just on personalities,” dagdag pa nito.

Si Trump ay uupo bilang ika-45 pangulo ng US. Tinalo niya ang pambato ng Democratic Party na pinangungunahan ni US President Barack Obama na si Hilary Clinton.

Nanawagan si Trump sa mga Amerikano ng pagkakaisa matapos ang matinding pagkakawatak-watak na idinulot ng halalan.

Source: Bandera

SHARE THIS

Author:

0 comments: