Rhian Ramos Nabiktima ng Pambabastos ng Isang Lalaki sa Loob ng Establisimyento



Ibinahagi ng Kapuso star na si Rhian Ramos sa kaniyang Instagram account ang naranasang pambabastos kamakailan mula sa isang lalaki sa loob ng isang establisimyento.

Sa kaniyang post nitong Sabado, sinabi ni Rhian na pinaunlakan niya ang imbitasyon ng kaibigan na lumabas matapos maging abala sa trabaho sa nakalipas na apat na buwan.

Hindi nabanggit ni Rhian ang lugar na kanilang pinuntahan pero may pahiwatig na isa itong establisimyento.

"On the same night, some guy was out, partying a little too hard and goes up to me and squeezes my rear," ayon sa aktres.
Sa naturang sitwasyon, hindi raw niya alam ang gagawin at naiyak na lang siya.

"I always used to think of myself as a strong enough girl that if the day ever came that someone would do this to me, I'd fight back. Honestly, it's different when you're already in that situation. I was stunned and didn't know what to do. Naiyak lang ako," lahat ni Rhian.

Umalalay naman daw sa kaniya ang dalawang kaibigang lalaki at kinausap ang lalaking sinasabing nanghipo sa kaniya. Pero itinanggi raw ng lalaki na siya ang bumastos kay Rhian.

"This made me feel even worse. So my second friend stepped in and asked me if I wanted the man thrown out. I said I wanted an apology. He brought him to me and he knelt down and apologized," patuloy ni Rhian.

Ngunit hindi pa doon natapos ang sitwasyon, ayon pa kay Rhian, muli siyang hinupuan ng lalaki nang papaalis na sila at mabilis na umalis sa lugar.
Muling sumama ang loob ng aktres at hindi raw niya maunawaan kung bakit may mga lalaking gagawa ng naturang bagay.

"What did I do to ask for this? When I had slept over it yesterday, I realized that even if I had been scantily dressed, it is not the woman's fault that a guy would treat her that way," ani Rhian na nagsabing hindi rin naman siya nakipag-eye contact sa naturang lalaki.

Sa kaniyang pagtatanong nalaman daw ni Rhian kung sino ang lalaki at natuklasan din niya na taga-Cebu ito at mayroon ding anak na babae.

"He's back in Cebu now and I won't be speaking to him personally, but he can expect a message from me before the day ends," saad pa niya.
"I'm still quite upset and feel that it would have been more vindicating to have hassled this man, courtesy of me and all those fighting against street harassment," ayon kay Rhian.

Hangad ni Rhian na magkaroon ng batas na nagpaparusa sa sexual and street harassment sa buong bansa gaya ng umiiral sa Quezon City.

"I want to speak to all of the people that this situation represents. To remind women to not question themselves, to remind guys to defend the honor of the girls they invite out (and if you can't do it, huwag ka nang mang-imbita), to remind fathers to think about what they would do if someone had touched their daughters, and to encourage men to read up on what is considered as sexual and street harassment," ayon sa aktres.

Source: GMA News

SHARE THIS

Author:

0 comments: