Napapraning na raw ang administrasyon dahil sa umano’y coup plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin, sa mahigit anim na libong nasawi sa kasagsagan ng war on drugs ay hindi na raw siya nagtataka sa nangyayari ngayon sa pamahalaan.
Giit ng mambabatas, mas nababahala ang mga tao sa pagtaas ng bilang ng extra judicial killings at pagsadsad ng ekonomiya kaysa sa pinalulutang na kudeta kontra sa pangulo.
Ang pahayag ni Villarin ay kaugnay pa rin sa balak na pagpapatalsik kay Duterte bilang Pangulo ng bansa, na rekumendasyon daw ni dating US Ambassador Philip Goldberg sa Amerika.
[SOURCE]
Loading...

0 comments: