MAYNILA, Pilipinas – Natagpuan ang bangkay ng isang batang babae na pinaghihinalaang ginahasa at sinakal pa ng mga salarin hanggang sa ito ay mamatay sa isang barangay sa Misamis Oriental nitong Martes, ika-19 ng Oktubre.
Kaagad namang nahuli ang mga suspek na magkapatid na sina Ferlan Quiraban, 19, at Johnny Quiraban, 17; parehong residente ng Barangay Bal-ason, Gingoog City.
Magkakilala umano ang mga suspek at ang biktima na parehong residente ng isang sitio sa nasabing barangay.
Natagpuan ang duguang bangkay ng batang babae kinabukasan na nang umaga sa isang matalahib na lugar malapit sa pinangyarihan ng krimen. Wala na itong saplot sa katawan at pinaniniwalaang ginamit pa ng mga suspek ang sariling underwear ng biktima para sakalin ito.
Bagama’t itinanggi ng nakatatandang Quiraban na may kinalaman siya sa krimen, itinuro naman ito ng sariling kapatid na nagsabing siya lang daw ang humawak sa biktima habang ginagahasa ng kaniyang kuya ang bata.
Napag-alaman din na may ilang residente na nakakita sa mga suspek habang isinasagawa ang karumal-dumal na krimen at kaagad itong isinuplong sa may kapangyarihan.
Iniimbestigahan din ng pulisya kung gumagamit ng ilegal na droga ang mga suspek dahil umamin ang batang Quiraban na isa siyang ‘runner’ ng shabu sa kanilang lugar.
Source: Bombo Radyo

0 comments: