Sapul Sa Mukha Ng Pinaglalaruang Pen Gun Ang 2-Taong Gulang Na Batang Lalaki

Isang 2-taong gulang na batang lalaki ng 4th Avenue, Caloocan City ang nasa malubhang kalagayan matapos aksidenteng tamaan ng bala ng pen gun sa mukha .

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical ang batang biktima na kinilalang si John Rey “Jay-R” Perdes. Kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa nasabing pagamutan dahil sa bala na tumama sa ilong at bumaon sa leeg nito. Hindi pa umano natatanggal ang bala sa leeg ng bata.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN, sinabi umano ng ina ng biktima na ang pen gun, isang improvised na baril, ay pag-aari ng kinse-anyos niyang anak na si Gerald, na sising-sisi naman dahil sa sinapit ng bunsong kapatid.

Sa isang panayam, sinabi ni Gerald na ang naturang pen gun ay ipinatago lang sa kanya ng isang kaibigan. Ayon pa kay Gerald, pinagsabihan niya raw ang kapatid na huwag paglaruan ang pen gun dahil kargado iyon ng bala. Nagulat na lamang umano sila ng makarinig ng isang putok at nakitang duguan si Jay-R.

Nanawagan naman ang ina ng biktima sa mga taong nais tumulong sa pagpapagamot ni Jay-R.


Source: ABS-CBN

SHARE THIS

Author:

0 comments: