Batay ito sa anim na panukalang isinumite ng 12 kongresista para muling ibalik ang capital punishment.
Kabilang sa mga naghain ng panukala ay si House Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas, Deputy Speaker Fredinil Castro at Raneo Abu; House Dangerous Drugs Committee chairman Robert Ace Barbers.
Nakakuha ng anim na boto ang naaprubahang substitute bill na nagsasabing ibabalik lamang ang parusang kamatayan sa mga heinous crimes na nakasaad sa ilalim ng Revised Penal Code.
Limang boto lang naman ang nakuha ng panukala na buyahin muli ang capital punishment sa mga krimen na may kaugnayan sa iligal na droga.
Sinabi ni Villarin na masyado raw minadali ito ng sub-committee.
Gayunman, sunod na iaakyat ang naturang substitute bill sa mother committee bago naman ito tatalakayin sa plenaryo.
Magugunita na sinabi kamakailan ni Speaker Alvarez na hangad ng Kamara ang aprubahan ang revival ng death penalty bago pa man ang kanilang Christmas break.
[SOURCE]
Loading...
Lusot na sa sub-committee on judicial reforms ng House Justice Committee ang panukalang ibalik muli ang parusang kamatayan.
0 comments: