
Naniniwala si dating Pangulong Fidel Ramos na marami pang dapat baguhin at matutunan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkapangulo ng bansa partikular sa kanyang pananalita at pamumuno bilang isang tunay na 'Presidential leader.'
Magugunitang ilang beses ng pinuna ni Ramos ang ilang pagkukulang o kabiguan ni Pangulong Duterte sa unang 100 araw nito sa administrasyon partikular sa foreign policy.
Sinabi ni Ramos, dapat magsilbing kinatawan ang pangulo sa 102 million Filipinos na mayaman sa kultura at karamihan ay mga Kristiyano.
Ayon pa kay Ramos, dapat organisahin ni Pangulong Duterte ang kanyang gabinete bilang isang Philippine team kasama ang buong sambayanang Pilipino.
Inihayag ni Ramos na bagama't mga propesyunal at mga kuwalipikado ang bumubuo ng Duterte Cabinet, kabilang ang mga presidential assistants, mga nasa sub-cabinet level pababa, hindi pa ito organisado sa loob ng halos anim na buwan sa presidency ni Duterte.
Sa kabila nito, umaapela si Ramos na bigyan pa rin ng 'benefit of the doubt' o tsansa ang mga bagong opisyal sa bansa at hayaang matutunan ang mga dapat malaman sa aniya'y 'learning curve.'
[SOURCE]
SHARE THIS
0 comments: